Google
 

14 February, 2007

happy valentines day

O ang pag-ibig nga naman sadyang makapangyarihan. Hindi mo akalaing mag papaalala pa ng petsa para gunitain sya.

Ngunit, paano pag single ka sa araw ng mga puso? Mag kukulong kana lang ba sa bahay at igapos ang iyong sarili sa higaan upang magparusa sa pag-ibig na dapat iyo ring naramdaman? hello? mali ka!

Marami pa ang dapat mangyari sa araw na ito. Hindi mo kailangan ng someone special. Hindi mo lang alam na marami sa paligid mo ang higit na nagmamahal sa iyo. Pwedeng sila ang iyong i-date sa araw na ito.

At, marami pa ang dapat pwede mong gawin. Sa araw na ito ay hindi lang pag-ibig sa iba ang ibig sabihin, higit sa lahat ay ang pagmamahal mo sa iyong sarili para mahalin ka ng iba ang siyang dapat..

p.s. apologies for the visitors not able to understand the language, i just felt to write it this way! hehehe:)

0 comments: